Kagsing nin Kabataang Pandananon

Sa lahat po ng mga bumibisita sa blogsite na ito, maraming salamat po! Lugod po naming ikakagalak kung mag-iiwan po kayo ng inyong mga suhestiyon at komento o di kaya ay kahit anong nais nyong sabihin o iparating sa amin o sa kahit kanino tulad ng mga pabati, reklamo, requests, mga nais n'yong talakayin, atbp. Maaari n'yo po itong ilagay sa comment box ng bawat "post" o sa shoutbox sa baba ng mensaheng ito.

Sa muli, MABALOS po sa inyong pagtangkilik.

Pandan
is a 2nd class municipality in the province of Catanduanes, Philippines. According to the 2007 census, it has a population of 19,005 people in 3,181 households.
HISTORY

Formerly the town site was located some two kilometers away south of the present site. Then the people were disturbed by constant depredation of bandits coming from other places.

The present site has been chosen because it was near the sea and the fishermen found it very convenient for their trade, however, being near the sea, it was vulnerable to Moros who always come to get their belongings or even capture some people.

As a defense against such moro raids, the people planted pandan shrubs close to each other to form a formidable defense against invaders. When the Spaniards came they found the plants around the poblacion in great abundance. When asked what the name of the shrubs was, the people told them that they were pandan shrubs. Thus, the Spaniards called the place Pandan.

The municipality lies on the northern tip of the province, 96 kilometers from the capital town of Virac. Bounded on the south by the municipality of Caramoran, on the west by the Maqueda Channel, on the east by the municipality of Bagamanoc and on the north by the Pacific Ocean. It has a total land area of 11,990 hectares. This is a town of 17,096 friendly and hospitable people, to which 99% are Roman Catholic.

Of the 26 barangays that comprise the municipality, four of which actually form the town proper, which are Libod, the biggest barangay in terms of population, Napo, Pandan del Sur and Pandan del Norte. The rest are found usually near the seashore. The rest being an inland barangays.

The municipality does not only boast of the natural beauties, it has which are the Parway, Mangbang, Parola beaches, the Hinik-Hinik falls (Hinik-hinik is a local term for rain shower) and Minaipit falls, but especially of its being a hometown of Senators, Congressman, Governor, Cardinal and Ambassador.

The people of Pandan are generally peace loving, God fearing and are happy people. Everyone in the community is a brother, a sister and a friend where the products of which could be shared even food itself without thought of having it repaid or reciprocated. Visitors are offered the comforts that the family could afford even it means that the owner should lay on the floor just to make the visitor eased at home by using the “papag”. And that is not enough, before going home; products of their yard would be wrapped for you to bring in your family plus a bunch of cockling chickens.

During celebrations, immediate neighbors are invited bringing among the whole members of the family and this seemed to be incomplete without tuba drinking and little dancing. Pantomina is a long cherished dance that never changes with time despite of the current dance and music. Pandananons has a series of collected pantomina songs which are now famous composed locally, of course it is not only the above songs, Pandananons used to compose, for evidence of which that gained popularity was a song composed by the late Mr. Alfredo dela Rosa, former Municipal Secretary of the Sangguniang Bayan of Pandan, entitled “Islang Catandungan”. This song won first place in the regional contest in Sorsogon sometime on the late 60’s.


Wednesday, December 30, 2009

Congrats!

Ang inyong ka-blog, YoungMindsofPandan.blogspot.com, ay malugod na binabati ang lahat ng mga taong nasa likod ng mga sumusunod na mga matagumpay na programa sa ating bayan ngayong panahon ng Kapaskuhan:

1. Pasko sa Pandan 2009 (PsP '09)
2. RAMPA
3. Galaw-Galaw
4. Youth Day and Youth Night

Maraming salamat sa walang sawa ninyong pagbabahagi ng inyong panahon, oras, talento at kakayahan upang bigyang-kasiyahan ang ating mga kababayan. Keep up the good work Pandananons! Mabuhay tayong lahat!

Sunday, December 27, 2009

Ano Ba Ang Iyong New Year's Resolution?

Isang taon na naman ang magpapaalam. Kasabay nito ay ang pagsalubong natin sa isang bagong taong darating.

Bye 2009! Hello 2010!

Marami mang unos ang ating pinagdaanan at naranasan ngayong taon, ganun din naman ang mga magagandang nangyari na dapat nating ipagpasalamat. Ang maganda sa ating mga Pinoy ay kahit na ano pa man ang mga sinuong nating problema at kahirapan sa buhay, puno pa rin ng pag-asa nating sinasalubong ang bukas.

At syempre, dahil Bagong Taon na, hindi palalampasin ng ka-blog ninyo na malaman ang inyong mga nais mangyari at gawin sa susunod na taon.

Mga kababayan kong Pandananon at mga ka-blog, ano ba ang iyong New Year's Resolution. Gaano man 'yan kaliit o kalaki, gaano man 'yan kasimple o kakumplikado, share mo na 'yan!

Ano ang iyong New Year's resolution para sa iyong sarili at para sa ating bayan, ang Pandan o di kaya ay para sa ating bansa, ang Pilipinas?

Para mag "share", click 2010 at ilagay ang inyong sagot sa comment box sa baba ng post na ito.

Wait namin 'yan! Happy New Year Pandananons!

Monday, December 21, 2009

Bro, Ikaw ang Star ng aming Pasko

This prayer is from the ABS-CBN 2009 Christmas Special. This was recited by some of the Kapamilya stars and broadcasters. This Christmas, let this be our prayer.


Ngayong Pasko at sa taong susunod, buksan ang aming puso sa paglilingkod
at sa mga pagsubok na aming haharapin, kami'y gabayan at aming puso'y patatagin.
Sa bawat kalungkutang nararamdaman, ngiti at ligaya sana'y matagpuan.
Sa bawat kaguluhan at karahasan, gawin Mo kaming daan tungo sa kapayapaan.
Ngayong ang mundo ay binalot ng kadiliman, ang liwanag mo Bro ang tanging kailangan.

Para sa mga pamilyang winalay ng kapalaran, muling pagbigkisin ng pagmamahal.
Para sa pagsira namin kay Inang Kalikasan, maging aral nawa ito sa amin na ang mundo'y muling pahalagahan at alagaan.
Para sa mga naghahanap ng katarungan, ang Iyong hustisya sa kanila'y ilaan.
Punuin ang aming puso ng iyong liwanag, Bro, nang kami ay makapaglingkod sa kapwa Pilipino.

Make us intruments of Your faith, hope, and love
And bless our country to be great from above.
Make not our hearts doubt, hate, falter, or despair
And strengthen our spirit to trust in Your care.
Let Your peace reign in our divided nation
And put Your love in our hearts so we can move in one motion.
Let Your light shine upon us,
Give us hope.
Let our voices sing to You in one perfect note.

Sa'yo Bro, kami'y humihiling
Aming panalangin Iyong dinggin
Sa lahat ng pinagdaraanan ngayon at sa hinaharap sa bagong taon,
Ang iyong pagpapala ang aming baon.

Salamat Bro sa liwanag mo
At ang lahat ng ito ay alay namin Sa'yo...

Mula sa lahat ng bumubuo ng YoungMindsofPandan.blogspot.com, kami po ay bumabati ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat ng Pandananon saan man sa mundo.



Bro, Ikaw Ang Star Ng Pasko (ABS-CBN Christmas Song 2009) Music Code

Wednesday, December 16, 2009

Pasko sa Pandan 2009

Isa sa mga pinaka-aabangang activities sa Pandan tuwing Pasko ay ang Pasko sa Pandan o Christmas Cheers. Ito ay gabi o mga gabi ng kasiyahan, programa, pagbibigay ng regalo at kung anu-ano pang gawain na may layuning pasayahin ang mga Pandananon at upang mas bigyan ng kulay ang pagdiriwang ng Kapaskuhansa Pandan.

Ngayong taon, ang PsP '09 ay pangunguhan ni Rev. Fr. Stephen V. Polo, Asst. Parish Priest ng Pandan. Ngayon ang unang gabi ng PsP '09 (Premiere Night), December 16, 2009. Ang Premiere Night ay sisimulan ng isang Lantern Parade. Magkakaroon din ng paligsahan sa pinakamaganda at pinakacreative na Big Lantern. Ito ay lalahukan ng mga nangungunang ahensya sa Pandan, ang NAPROM, PSAT, PCES, at PDH. Ang Lantern Parade ay lalahukan naman ng lahat ng mga ahensiya, organisasyon at iba pang mga opisina sa buong bayan ng Pandan. Ito ay susundan ng Opening Program kung saan magpapakitang-gilas ang bawat ahensiya sa pamamagitan ng kanilang inihandang numero.

Ang mga susunod na gabi, Dec. 17-20, 2009, ay ang Christmas Cheers. Bawat gabi ay may grupong in-charge sa programa. Bawat grupo ay pinangungunahan ng isang main agency. Ang Culminating Night naman ay sa Dec. 21, 2009. Magkakaroon din ng Gift-giving sa mga kapus-palad nating mga kababayan bilang bahagi ng PsP '09.

Isabuhay natin ang tunay na diwa ng Pasko sa Pandan, Paskong para sa lahat, Paskong para sa mga kababayan. Maligayang Pasko mga Pandananon sa Pandan, sa buong Pilipinas, at sa buong mundo!

Monday, December 14, 2009

Sa Kabila ng Kabagutan

Nasulat ko ito sa isang pahina sa likod ng aking binder
1:39 PM, Room N4
sa College of Health Science Building kanina.

Time namin ngayon kay Maam Lopez. Late ako ng 20 minutes sa klase niya...nakatulog kasi ako. Pero ngayon, ang bigat ng ulo ko...parang gusto ko nang ihimlay ang antok kong kamalayan. Pero no choice ako...baka kasi pagalitan ako ni Maam. Haaaayyy... holy hour pa naman ngayon...nakakaantok talga. Leadership and Management ang topic namin ngayon...nagbibigay siya ng definition ng management. Nakakainis! Hindi kasi maka-absorb ang utak ko...parang natutulog na mantika. Pero sa kabila ng kaantukan, naaaliw ako sa mga classmates ko. Tamang-tama lang ang upuan ko...sa likod kung saan namamasdan ko silang lahat. Nakakatuwa...iba-iba na kasi mga hitsura nila. Merong nakayuko lang, may nagpapaikot-ikot ng bolpen, may nakadekwatro, may nakahawak sa baba, meron namang kunyari may binabasa pero pasimpleng natutulog, merong kunyaring nagsusulat ng notes pero dinodrowing pala si maam, meron namang tutok na tutok sa pakikinig pero wala namang naiintindihan, merong nagsusulat-sulatan para hindi halatang nagkekwentuhan, may nagkukrusada sa pagbibilang ng "and so on", may pasimpleng lumalabas para mag-CR iyon pala magpapahangin lang kaya'y nag-iisnak na, may naglilista ng "embaryoment", "okserb", "ogey", at iba pa, may pasimpleng lumalabas para bumili ng "mani" hindi para pamatid-gutom kundi para pamatid-antok at ang nakakatawa sa lahat ay iyong mga nasa unahang pilit na tinutukuran ang kanilang mga eyelids para hindi sumara. Iyan ang senaryo ng buong klase tuwing ganitong oras dagdag pa nga rito ang pabalik-balik na pagtingin ng ilan sa kanilang relo na gusto nang hilahin ang oras, pati na rin ang ilang nagmamaktol tuwing nag-oovertime si Maam. Haaay! Kulturang estudyante nga naman. Araw-araw, lagi-lagi ganun ang sitwasyon...nakakasawa pero nakakatuwa. Ayan, naubusan na ng tinta ang bolpen ko, hindi dahil masipag akong magsulat ng lecture notes kundi dahil sa pagsulat ng mga bagay na walang saysay=).#

Tuesday, December 8, 2009

Labindalawang Araw ng Pasko (Eleksyon 2010) - Ikalawang Hagupit

Sa unang araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
isang KALENDARYONG bago!

Ikalawang araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ikatlong araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ika-apat na araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ikalimang araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ika-anim na araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ikapitong araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ikawalong araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ikasiyam na araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
siyam na CORNED BEEF,
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ikasampung araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
sampung BENTE PESOS,
siyam na CORNED BEEF,
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ikalabingisang araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
labing-isang SINGKWENTA,
sampung BENTE PESOS,
siyam na CORNED BEEF,
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Ikalabindalawang araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
labindalawang POSTERS,
labing-isang SINGKWENTA,
sampung BENTE PESOS,
siyam na CORNED BEEF,
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.

Teka muna, 'di naman galante si Ninong noon ah! Ahhh... Kaya pala! Kaya pala bigay ng bigay si Ninong eh kasi kakandidato siya ngayong eleksyon. Hayyyyy... Sa tinagal-tagal ko na sa mundo ngayon lang ako naalala ni Ninong. Kasi raw botante na ko. Pandagdag boto ba sa kanya. Iboboto ko ba siya dahil Ninong ko siya? O boboto ako sa kanya dahil karapat-dapat siya? Sabi ng parents ko, iboto ko raw si Ninong kasi nga, Ninong ko raw. Baka matulungan akong ipasok sa munisipyo kahit casual. O baka bigyan ako ng scholarship para sa susunod na pasukan.

Pa'no 'pag 'di manalo si Ninong? Galante pa rin kaya siya? O baka balik na naman siya sa pagiging barat tulad noon? Sa kabilang banda, sigurado rin kaya ako na 'pag manalo siya ay galante pa rin? Baka ngayon lang kasi eleksyon. Kailangan niyang magpa- goodshot sa mga botante, katulad ko. Baka 'pag humingi ako sa kanya ng regalo sa susunod ay 'di na magbigay kasi nagbigay na raw siya. Sasabihin krisis daw.

Pasko na naman mga kajerjer! Panahon ng pagmamahalan, panahon ng bigayan. Bigayang hindi dahil malapit na ang eleksyon. Kundi bigayang dapat ay bukal sa kalooban. Mula sa puso. Huwag nating gamitin ang Pasko upang makakuha tayo ng boto. Huwag nating sirain ang tunay na diwa nito dahil lamang sa mga pansarili nating interes. Nakakahiya! Lalo dun sa mga tumatanda na sa ganitong kalakaran. Iyan ba ang halimbawang ibibigay ninyo sa inyong mga apo? Sa mga susunod na henerasyon?

Huwag nating kalilimutan, mayroon Isang nagmamasid sa atin!

Paalala lang sa mga kandidato, paminsan-minsan, tumingin naman kayo sa Langit! Para maalala ninyo na mahirap dalhin doon 'yung mga naipon mong kayamanan dito sa lupa. Hindi pwedeng ilagay doon kasi baka mahulog. Hahahaha!!!

Meri Krismas na lang sa mga kandidato! At sa ating lahat! Babosh na!

Saturday, December 5, 2009

Y.E. Experience

Isa sa mga pinakamagandang alaala sa high school ay ang Youth Encounter Formation Program (Virac Model). Ito ay isang retreat o formation na may layon na mas kilalanin ang sarili, kapwa, at Diyos. Dito ay nararanasan ng isang estudyante ang pagmamahal mula sa mga tao sa paligid niya at mula sa Panginoon. Dito ay pinupukaw ang mga natutulog na damdamin mula sa pagkahimbing. Isa itong mabisang paraan upang ilapit ang mga kabataan sa Diyos, ang kanilang pinagmulan.

Dati-rati ay ginagawa ito sa mga Retreat Houses sa Virac tulad ng FIAT House at Risen Christ Complex o di kaya ay sa Tingog Complex sa Bato. Subalit iilan estudyante lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong maranasan ang ito. Kaya naman ngayong taong ay nagdesisyon ang Youth Ministry ng Parokya ni San Ignacio de Loyola na gawin ang Youth Encounter ng 4th year ngayong taon sa Pandan mismo. Nagsilbing tahanan ng mga YE'rs ang PSAT sa loob ng dalawang araw at dalawang gabi nilang pakikitagpo sa Diyos at kapwa. Nabigyang-katuparan ito sa pamamagitan ng maraming taong 'di nag-atubili ibigay ang kanilang tulong, pisikal man o finansyal.

Narito ang ilang silip sa unang Y.E. na ginanap sa Pandan:


Ikaw, may Y.E. moments ka ba? Share na!

Congratulations to our Board Passers!

June 2009 Nursing Board Exam
  • John Alcantara (Aquinas University of Legazpi)
  • John Salvador Polo (PWU)
September 2009 Chemist Board Exam
  • Verna Aiza Posada (Ateneo de Manila University)
October 2009 LET (Licensure Examination for Teachers)
  • Roxan Joy Eubra (CSC)
  • Mark Joseph Villafuerte (CC Pandan Annex)
November 2009 Midwifery Board Exam
  • Emily Icaranom (CSC)
  • Madeleine Isorena (CSC)

MARTIAL LAW in Maguindanao (SOLUSYON O KUMPLIKASYON??)

Arroyo proclaims martial law in Maguindanao

(source:abs-cbnNEWS.com)

MANILA (10th UPDATE) - President Gloria Macapagal Arroyo officially declared martial law in the province of Maguindanao on Saturday morning.

In a press conference past 7 a.m, Executive Secretary Eduardo Ermita announced Proclamation No. 1959 declaring a state of martial law and suspending the privilege of the writ of habeas corpus in the province of Maguindanao, except for certain areas identified as bailiwicks of the Moro Islamic Liberation Front (MILF) separatists.

The declaration of martial law will lead to the arrests without warrants of other members of the Ampatuan family who have been linked to the November 23 massacre of 57 innocent civilians. The carnage drew both local and international condemnation.

Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Victor Ibrado announced that joint police and military teams have taken into custody Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. and his son, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan.

Ibrado said Ampatuan Sr. was brought to a hospital in Davao City, while the ARMM governor was brought to General Santos City.

As of posting, Maguindanao Vice Governor Akmad Ampatuan Sr. and Shariff Aguak Anwar Ampatuan have also been taken into custody.

Abs-cbnNEWS.com/Newsbreak reported early Friday evening that President Arroyo had ordered a state of martial law in Maguindanao, which would take effect on Saturday.

Military, police take control

Security forces on Saturday took full control of the province of Maguindanao following President Arroyo's order placing the province under martial law.

"Based on Proclamation 1959, we are here to formally take over the provincial capitol. By this time, all municipal halls have been secured by the armed forces and police forces in order to ensure that these facilities will be secure," Lt. Gen. Raymundo Ferrer, chief of the Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command, announced at a press conference hours after the martial law declaration.

Ferrer said he has been ordered to temporarily take charge of the whole province until Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno and government agencies "come up with a new set up for the local government."

He said local government functions have also been suspended indefinitely.

Ferrer said military and police forces have started conducting warrantless arrests of personalities involved in the massacre of 57 innocent civilians, including 30 journalists, in Ampatuan town last November 23.

He said warrantless searches were also being conducted in residences of politicians, mostly members of the powerful political clan of the Ampatuans.#


----Nobody knows for sure, the intent of the government on declaring martial rule in Maguindanao. It might be to cover up or clean up the "mess" that the Ampatuan's (an ally of the Arroyo's)has done for the senseless massacre of 59 people inclusive of the media. On the other hand, if and if, the contention of the military is that they are finding difficulty on implementing the rule of law in Maguindanao due to the presence of "heavy armed men" in the vicinity of the Ampatuans' residence and other government institution thereby depriving the authorities of there investigative work, this matter remains to be seen. However, Juan de la Cruz should be alert and should be on guard because, past experiences have made us wary of the present administration's plan that works only on her benefit. Arroyo has mastered the act of corruption and she has done it in connivance with the people around her including the military. We should be vigilant at all times, because the pangs of corruption and deceit is ready to take its toll. We should be alert and beware of the evil plan of the Arroyo and his cohorts to stay in power in the name of "protecting the people".

We are not sure of the answers... Is it a solution to the problem or will just make the situation more complicated?? For now, all we can do is to PRAY and HOPE for JUSTICE to prevail in our country (if there is any)...



Sinong Bet Mo? (Halalan 2010) - Unang Hagupit

Dungog ko, tatlo daang bata ning Pandan yang magaburukburukan sa maabot na eleksyon para Mayor ning banwa. Yu sado incumbent, babaye. Yu dawha baguhan, mga laraki na joven-joven pa man. Siguro midbid mo na. Kung taga-Pandan ka, baad nabalitaan mo na pati.

Enot na Kandidato:

Incumbent Mayor Josefina Santelices

Sige pa man syempre si Tya Pina(kamidbidan siya sa burâ na yan, lalo na ning mga paryentes)! Siguro gusto pa niyang magserbisyo sa Pandan. Ugaring sabi da ning iba, medyo (medyo sana ha!) gurang-gurang na man da siya. Itao naman da kutana yu oportunidad sa ibang batâ-batâ pa na pamunuan yang Pandan. Ano daw yu mga nagibo ni Tya Pina habang gauntad siya dun sa aircon na opisina sa munisipyo? Yu ato bagang beach, magayon na. Medyo developed naman! Pwede nang dayuhun ning mga turista. Siguro kiya man yun na project. Inda sana. Yu iba mi ko aram ta medyo huray akong nawara sa Pandan. Pagparibod ko man, kahaharang yu fiesta (2009). Bukong concern niya yun? Mi lamang ning lami. Bukong arog ninyu mga nakaaging fiesta ta maur-ogma lamang. Sabi daa gatipid ta krisis. Pero sabi man ning kamidbid ko, kuripot da talaga pano si Tya Pina. Inda sana ha! Buko ako nagtaram ninyan!

Tya Pina, nagsawa na nga ba ang taumbayan sa'yo at mas gugustuhin na nilang 'wag kang iboto at tuluyan nang patalsikin sa loob ng bahay ni Kuya, este munisipyo pala? Sapat na nga ba ang ilang taon mo ring pananatili sa loob ng iyong opisina upang patunayan ang iyong hangarin sa Pandan? Nagustuhan kaya ng taumbayan ang iyong mga nagawa habang ikaw ay nakaupo sa pwesto? O medyo nawalan sila ng gana dahil 'di ka masyadong nagpapalabas ng pera para sa mga okasyon sa Pandan? Tya Pina, ang desisyon ng bayan... Malalaman mo na. Sa May 10, 2010. Goodluck!

Ikawhang Kandidato:

Media Consultant Resty de Quiros

Tama ka! Si Resty de Quiros na dating reporter ning DZRH, na taga-Pandan man, makandidato ning Mayor. Kung tayun, inda sana. Mi ko man sya masyadong midbid ta huray man syang nawara sa Pandan. Kaya ngani yang hingunay ko kung tayon ta ninto pa sana siya nakaisip magkandidato sa kahurayan na ning panahon. Midbid ko sana ngani sya sa pangaran. Sikat ngani pano ta reporter ning DZRH. Pero inda kung midbid pa siya ning mga bagong tubo ninto. Buko naman na uso yu AM radio ninto. Buda huray naman da yata siyang naghari sa DZRH. Naging miyembro na yata pano ning PCSO. Correct me if I'm wrong ha. Pero ninto na makandidato siya, binanlihan na ni Morato. Friendship yata sila ni FG Mike Arroyo. kadabun ngani siya dun sa sadong anomalya tungkol dun sa bidding ning mga road projects. Bukong media consultant ngani siya ni FG? Ano pa ta yu mga kaalyadong iba ni Tya Pina nagbaraliktad na ta mas makusog da si Resty. Ikan da panong kapit sa itaas. Sabi pa ninyo sado pang kagawad ning munisipyo na nagbaliktad naman, kwarartahan da sana pano 'yan! Hamak pa 'yan! Hanto pa. Sabi ning ex-governor na taga-Pandan, mas magayon da kung si Resty yu Mayor ta madari dang makalani sa mga asa itaas. Sino 'yun? Maeleksyon na baga? Baga ikan talaga ning mga plano yu asa itaas ha! Ay inda!

Resty, naapektuhan kaya ang mga Pandananon sa mga kontrobersyang kinasangkutan mo noon kaya hindi ka nila bibigyan ng pagkakataon na maupo sa upuang inaasam ninyo? Totoo nga ba na may iba kang mga motibo sa iyong pagtakbo bilang Mayor ng Pandan? Dapat ka nga bang iboto ng tao dahil humawak ka na ng isang mataas na posisyon? O gagamitin mo ba ang iyong mga naipon upang iboto ka ng mga Pandananon? Ang kasagutan sa mga tanong na iyan, malalaman mo na... Sa susunod na taon, pagdating ng eleksyon!

Ikatlong Kandidato:

Mr. Edwin delos Santos

Sa kilang tatlo, siya siguro yu pinaka-amateur! Inda sana pero. Mi ko man aram. Midbid ko sana siya sa pangaran man. Adun siya gaistar sa dakurong baray sa Napo. Tama ba ako? Pero dungog ko, mayaman man daa. Sabi ngani ning sado kong nakahurun-huron, matao daa ning Php 3,000.00, urardaw ha, sa magiging campaign manager! Hamak pa man! Inda sana kung harangkaw na yun ha. Mi kong aras man sa mga presyuhan ninto. Yang hingunay ko man, tayon man ta makandidato siya. Siguro maaraman ta yan pag karampanyahan. Hanto pa paran. Ikan pa ko nadungog na mga huruding-huding na ayos man daa yu magurang ninto. Maboboot da! Pero yu mga bata da, inda! Harayo man dang grabe. Inda ko kung kadabon siya dun.

Edwin, magustuhan kaya ng taong bayan ang iyong layunin sa Pandan para iboto ka nila? Hindi kaya mas manaig ang iyong mga makakalaban dahil sa kanilang kapit at karanasan? Kayanin kaya ng iyong budget ang mga hakbang na iyong gagawin para manalo? Edwin, kung iboboto ka ng taumbayan para mamuno sa loob ng munisipyo, alamin mo... Sa Mayo dyes dos mil dyes!

Grabe na yang mga isristuryahan... Habang galaba sa sarog, gapagunting sa ki Tyo Obet, ga tong-its sa kung siin-siin, gaparehistro sa COMELEC, gapacheck-up sa hospital, gapaload ki Manay Nors, gakaon sa Jalli Bee burger stand, galugaw sa Kusina ng Bayan, gaparefill sa Aqua Mineral Water Refilling Station buda gakurutuhan sa hagdanan! Kung siin siin na sana. Yu iba gabilang na ning kwarta. Mi pa nakuptanan, planado na kung aanuhon. Hay... Inda sana. Yang gusto ko man sana, magluwas yu dapat na ,magluwas. Yu taho na dapat buda gusto talagang magserbisyo sa banwa. Kaya kong ako matiwa-tiwa sa kila, ihingunay ko kung ANO TALAGA YANG KILANG PLANO SA PANDAN PAG SILA MANGGANA SA MAABOT NA ELEKSYON.

Salamat sa pagbasa! Favor lang sainyo gabos... Vote wisely! Yun man sana!

Hanto pa paran, ikan na baga ning radyo sa Pandan! Radio Ignacio yata yon. Idedicate ko lang tong kantang to sa mga makandidato. Para sa kila gabos!


Upuan – Gloc 9 Ft. Jeazell Grutas of Zelle Music Code

Thursday, December 3, 2009

Ang Kariton ni Kuya Ef



Hindi lamang sa loob ng paaralan makukuha ang edukasyong inaasam-asam ng karamihan. At lalong hindi naging hadlang ang kahirapan upang makamit ang inaasam-asam mong pangarap.


Kariton...
...sinong mag-aakala na sa bawat pag-usad ng kariton ay may matutupad na mumunting mga pangarap.

Nakakataba ng puso na nagmula sa sarili kong bayan (Cavite City) at produkto ng luma kong paaralan (San Sebastian College-Recoletos) ang kasulukuyang tinanghal na CNN Hero of the Year. Si Efren Peñaflorida o mas kilala sa tawag na Kuya Ef.


Sa bawat pagsubok ng buhay, ikinintal ni Kuya Ef sa ating mga puso at isipan na hindi sagabal ang kahirapan upang makamit ang edukasyon. Naging produkto ng diskriminasyon at pangungutya, hindi siya nawalan ng pag-asa upang makamit ang kanyang pangarap. At sa kabila ng pagsubok na ito, nabuo sa kanyang damdamin ang nahimbing na ambisyong tumulong sa mga kagaya niya. Inilunsad niya ang Dynamic Teen Company (DTC) na naglalayong tumulong sa mga kabataang hindi nabigyan ng oportunidad na makatungtong ng paaralan sa pamamagitan ng kariton at pagtuturo sa kalye. At sa bawat pag-usad ng kariton ni Kuya Ef, maraming kabataan ang natutulungan. Katangi-tangi ka Kuya Ef. Pinatunayan mo na determinasyon, tatag ng loob at tuwid na prinsipyo ang solusyon.

Tunay ngang nararapat kang tanghalin na isa ng bagong BAYANI.

Wednesday, December 2, 2009

Young Minds of Pandan are back!!!

We
are
back
with
the latest,

the juicest,
the creamiest,
the most exciting,
the most anticipated,
the most looked forward
news,
stories,
features
and even
"CHIZMIZ"...

from Pandan!!!

Here we go again!