isang KALENDARYONG bago!
Ikalawang araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ikatlong araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ika-apat na araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ikalimang araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ika-anim na araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ikapitong araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ikawalong araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ikasiyam na araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
siyam na CORNED BEEF,
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ikasampung araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
sampung BENTE PESOS,
siyam na CORNED BEEF,
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ikalabingisang araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
labing-isang SINGKWENTA,
sampung BENTE PESOS,
siyam na CORNED BEEF,
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Ikalabindalawang araw ng Pasko, ibinigay sa'kin ng Ninong ko:
labindalawang POSTERS,
labing-isang SINGKWENTA,
sampung BENTE PESOS,
siyam na CORNED BEEF,
walong 3 in 1 COFFEE,
pitong pack ng COLGATE,
anim na SHAMPOO,
limang SARDINAS,
apat na MAGGI,
tatlong kilong BIGAS,
dalawang KENDI,
at isang KALENDARYONG bago.
Pa'no 'pag 'di manalo si Ninong? Galante pa rin kaya siya? O baka balik na naman siya sa pagiging barat tulad noon? Sa kabilang banda, sigurado rin kaya ako na 'pag manalo siya ay galante pa rin? Baka ngayon lang kasi eleksyon. Kailangan niyang magpa- goodshot sa mga botante, katulad ko. Baka 'pag humingi ako sa kanya ng regalo sa susunod ay 'di na magbigay kasi nagbigay na raw siya. Sasabihin krisis daw.
Pasko na naman mga kajerjer! Panahon ng pagmamahalan, panahon ng bigayan. Bigayang hindi dahil malapit na ang eleksyon. Kundi bigayang dapat ay bukal sa kalooban. Mula sa puso. Huwag nating gamitin ang Pasko upang makakuha tayo ng boto. Huwag nating sirain ang tunay na diwa nito dahil lamang sa mga pansarili nating interes. Nakakahiya! Lalo dun sa mga tumatanda na sa ganitong kalakaran. Iyan ba ang halimbawang ibibigay ninyo sa inyong mga apo? Sa mga susunod na henerasyon?
Huwag nating kalilimutan, mayroon Isang nagmamasid sa atin!
Paalala lang sa mga kandidato, paminsan-minsan, tumingin naman kayo sa Langit! Para maalala ninyo na mahirap dalhin doon 'yung mga naipon mong kayamanan dito sa lupa. Hindi pwedeng ilagay doon kasi baka mahulog. Hahahaha!!!
Meri Krismas na lang sa mga kandidato! At sa ating lahat! Babosh na!
No comments:
Post a Comment