Sa mga nakaraang taon, ang pagbibigay ng regalo sa mga indigent families sa Pandan ay ginagawa sa plasa bilang bahagi ng programa. Ngunit napagkasunduan ng executive committee ng Pasko sa Pandan '09 na gawin itong espesyal. Ang mga members mismo ng Execom ang personal na mag-aabot ng mga pamasko na mula sa mga mababait at mapagbigay na Pandananon sa ating mga kababayan.
Nacurious ako. Kaya nang umuwi ako sa Pandan, I asked one of the members of the Execom how was the gift-giving done since karamihan sa mga bibigyan ay nakatira sa mga malalayong baryo ng Pandan. May mga araw raw na nagbibigay sila ng regalo tuwing gabi. Hinaharana muna nila ang maybahay. Ngunit sa halip na humingi ng pamasko ay sila pala ang mag-aabot ng regalo. There was even a funny story about this. Hindi raw lumalabas ang tao sa bahay at ang sabi ay, "Patawad! Mii pa ninto." But they answered, "Buko po. Kami po yu ikan ning dara para sainyo."
I was touched when I saw the pictures. Kahit umuulan ay tuloy pa rin ang mga staff sa pamimigay ng mga regalo sa mga barangay. But I was more touched when I saw the pictures of our kababayan's who deeply appreciated the simple gifts that was given to them. Sa totoo lang, marami talagang pamilya sa Pandan ang naghihirap. Many do not experience eating meals three times a day. Kaya naman ang mga simpleng handog na ito ay isang bagay na hindi nalilimutan. We are lucky enough not to experience what they do. So it's really nice and just to share some of our blessings to those less fortunate people in our communities.
And for this job well done, I just want to congratulate everyone behind the 2009 Pasko sa Pandan celebration, especially to the Executive Chairman, Rev. Fr. Stephen Polo. Keep up the good work and may the good Lord bless us always. Layag Pandan!
No comments:
Post a Comment