Kagsing nin Kabataang Pandananon

Sa lahat po ng mga bumibisita sa blogsite na ito, maraming salamat po! Lugod po naming ikakagalak kung mag-iiwan po kayo ng inyong mga suhestiyon at komento o di kaya ay kahit anong nais nyong sabihin o iparating sa amin o sa kahit kanino tulad ng mga pabati, reklamo, requests, mga nais n'yong talakayin, atbp. Maaari n'yo po itong ilagay sa comment box ng bawat "post" o sa shoutbox sa baba ng mensaheng ito.

Sa muli, MABALOS po sa inyong pagtangkilik.

Pandan
is a 2nd class municipality in the province of Catanduanes, Philippines. According to the 2007 census, it has a population of 19,005 people in 3,181 households.
HISTORY

Formerly the town site was located some two kilometers away south of the present site. Then the people were disturbed by constant depredation of bandits coming from other places.

The present site has been chosen because it was near the sea and the fishermen found it very convenient for their trade, however, being near the sea, it was vulnerable to Moros who always come to get their belongings or even capture some people.

As a defense against such moro raids, the people planted pandan shrubs close to each other to form a formidable defense against invaders. When the Spaniards came they found the plants around the poblacion in great abundance. When asked what the name of the shrubs was, the people told them that they were pandan shrubs. Thus, the Spaniards called the place Pandan.

The municipality lies on the northern tip of the province, 96 kilometers from the capital town of Virac. Bounded on the south by the municipality of Caramoran, on the west by the Maqueda Channel, on the east by the municipality of Bagamanoc and on the north by the Pacific Ocean. It has a total land area of 11,990 hectares. This is a town of 17,096 friendly and hospitable people, to which 99% are Roman Catholic.

Of the 26 barangays that comprise the municipality, four of which actually form the town proper, which are Libod, the biggest barangay in terms of population, Napo, Pandan del Sur and Pandan del Norte. The rest are found usually near the seashore. The rest being an inland barangays.

The municipality does not only boast of the natural beauties, it has which are the Parway, Mangbang, Parola beaches, the Hinik-Hinik falls (Hinik-hinik is a local term for rain shower) and Minaipit falls, but especially of its being a hometown of Senators, Congressman, Governor, Cardinal and Ambassador.

The people of Pandan are generally peace loving, God fearing and are happy people. Everyone in the community is a brother, a sister and a friend where the products of which could be shared even food itself without thought of having it repaid or reciprocated. Visitors are offered the comforts that the family could afford even it means that the owner should lay on the floor just to make the visitor eased at home by using the “papag”. And that is not enough, before going home; products of their yard would be wrapped for you to bring in your family plus a bunch of cockling chickens.

During celebrations, immediate neighbors are invited bringing among the whole members of the family and this seemed to be incomplete without tuba drinking and little dancing. Pantomina is a long cherished dance that never changes with time despite of the current dance and music. Pandananons has a series of collected pantomina songs which are now famous composed locally, of course it is not only the above songs, Pandananons used to compose, for evidence of which that gained popularity was a song composed by the late Mr. Alfredo dela Rosa, former Municipal Secretary of the Sangguniang Bayan of Pandan, entitled “Islang Catandungan”. This song won first place in the regional contest in Sorsogon sometime on the late 60’s.


Showing posts with label Pandan tradition and culture. Show all posts
Showing posts with label Pandan tradition and culture. Show all posts

Tuesday, February 9, 2010

Pasko sa Pandan '09: The Gift-Giving



Isa ito sa mga activities na namiss ko. (I was not able to spend my Christmas in Pandan last year.) Bahagi ng pagdiriwang ng Pasko sa Pandan taon-taon ang pagbibigay at pagbabahagi ng konting biyaya sa mga kapus-palad nating kababayan. Kaya naman isang malaking bahagi ng pondo para sa pagdiriwang ng Christmas Cheers sa Pandan ay inilalaan sa gift-giving.

Sa mga nakaraang taon, ang pagbibigay ng regalo sa mga indigent families sa Pandan ay ginagawa sa plasa bilang bahagi ng programa. Ngunit napagkasunduan ng executive committee ng Pasko sa Pandan '09 na gawin itong espesyal. Ang mga members mismo ng Execom ang personal na mag-aabot ng mga pamasko na mula sa mga mababait at mapagbigay na Pandananon sa ating mga kababayan.

Nacurious ako. Kaya nang umuwi ako sa Pandan, I asked one of the members of the Execom how was the gift-giving done since karamihan sa mga bibigyan ay nakatira sa mga malalayong baryo ng Pandan. May mga araw raw na nagbibigay sila ng regalo tuwing gabi. Hinaharana muna nila ang maybahay. Ngunit sa halip na humingi ng pamasko ay sila pala ang mag-aabot ng regalo. There was even a funny story about this. Hindi raw lumalabas ang tao sa bahay at ang sabi ay, "Patawad! Mii pa ninto." But they answered, "Buko po. Kami po yu ikan ning dara para sainyo."

I was touched when I saw the pictures. Kahit umuulan ay tuloy pa rin ang mga staff sa pamimigay ng mga regalo sa mga barangay. But I was more touched when I saw the pictures of our kababayan's who deeply appreciated the simple gifts that was given to them. Sa totoo lang, marami talagang pamilya sa Pandan ang naghihirap. Many do not experience eating meals three times a day. Kaya naman ang mga simpleng handog na ito ay isang bagay na hindi nalilimutan. We are lucky enough not to experience what they do. So it's really nice and just to share some of our blessings to those less fortunate people in our communities.

And for this job well done, I just want to congratulate everyone behind the 2009 Pasko sa Pandan celebration, especially to the Executive Chairman, Rev. Fr. Stephen Polo. Keep up the good work and may the good Lord bless us always. Layag Pandan!

Wednesday, December 30, 2009

Congrats!

Ang inyong ka-blog, YoungMindsofPandan.blogspot.com, ay malugod na binabati ang lahat ng mga taong nasa likod ng mga sumusunod na mga matagumpay na programa sa ating bayan ngayong panahon ng Kapaskuhan:

1. Pasko sa Pandan 2009 (PsP '09)
2. RAMPA
3. Galaw-Galaw
4. Youth Day and Youth Night

Maraming salamat sa walang sawa ninyong pagbabahagi ng inyong panahon, oras, talento at kakayahan upang bigyang-kasiyahan ang ating mga kababayan. Keep up the good work Pandananons! Mabuhay tayong lahat!

Monday, May 4, 2009

Tara na sa Pandan! (Sa Aming Paaralan)

Pandan Central Elementary School
"Mara na! Maloog kita sa eskwelahan ta ninyo bata pa kita!"

"Uya kami gapaninyaw, gapardaragan, gachinese garter buda gahawan! Hehe.."

"Dito ko naranasan mag-iyak, makiaway, makipaninyaw, buda maungahan..
lalo na, ang maging bata minsan."


"Sa loog ning mga kwartong 'yan naisihan ko na masakit paran maging taho..
dyan ako nakaadar magbasa, magsurat, magbilang buda magkanta."



PANDAN SCHOOL OF ARTS AND TRADES
"Dito nangyari yo mga mii ko malilimutang karanasan..
siguro dito ako naging taho..
dito ako nagkacrush,
naumok,
nag-iyak,
nakibarkada,
nagescape sa klase,
nagbasa ning pocketbook,
nakibayle,
nakiaway sa kaklase,
nagtambay sa durom,
nakiinuman,
buda naging
MAOGMA!"

Tara na sa Pandan! (Sa Lumang Simbahan)


SAINT IGNATIUS OF LOYOLA
Patron Saint of Pandan



SAINT LAWRENCE THE MARTYR
Secondary Patron Saint of Pandan


Parish of Saint Ignatius of Loyola Church


"Aleluyahan"
(where the angels sing)




"Sa Loog ning Simbahan"

Tuesday, April 21, 2009

Congratulations to the reigning winners of MS. DINAHIT FESTIVAL 2009!

MS. EMILOU EMERENCIANA (Del Norte) - Miss Dinahit Festival '09

MS. RHEA ICAMEN (Del Norte) - 1st Runner-Up

MS. ROSELLE ARCILLA (Libod) - 2nd Runner-Up

Mabuhay ang gandang Pandananon!!!

Galaw-Galaw sa Tag-araw

LGU-Pandan and the League of Pandananon Students

proudly present


"GALAW-GALAW SA TAG-ARAW"


A Pandananon Dance Sports Competition


If you are a Pandananon, 12-22 yrs old, and a dancesports enthusiast, find your partner now and show us what you've got. Get ready to groove on the dance floor. Become the first Pandananon dancesports champion and win exciting prizes!!!

For more information contact the ff:

Mr. John Alcantara - 09186760892
Mr. Alvin Evangelista - 09093065473

Wednesday, April 1, 2009

Batch, sa'no tapos ning dasar? by nai


Pagdating sa kasiyahan at pagtitipon-tipon, 'di pahuhuli ang mga Pandananon d'yan. Ito ang paraan nila upang ipakita ang kanilang pagkakaisa bilang magkakapamilya, magbabarkada, at magkababayan. Gaya ng ibang Pilipino, tradisyon na ng mga tao sa Pandan ang magsama-sama ang pamilya sa iba't ibang mga okasyon sa loob ng taon. At siyempre, pagkatapos ng family gathering ay hindi mawawala ang jamming kasama ang mga kaibigan, kabarkada at siyempre, kabatch! Lalo na ngayon na opisyal nang nagsimula ang summer. Ano pa nga ba ang inaabangan ng lahat? Batch-Match na naman!

Ang "batch-match" ay ang taon-taong pagtitipon-tipon o reunion ng mga dating magkakaklase. Sa Pandan, ito ay karaniwang ginaganap dalawang beses sa isang taon. Sa kalagitnaan ng taon (Easter o summer) at tuwing Pasko. Kapag sinasabing batch-match ay sayawan ang kaagad naiisip ng mga Pandananon lalo na ng mga kabataan. Ito ay isang gabi ng kasiyahan at yugyugan kung saan bawat batch ay may kanya-kanyang mesa at mga handa sa loob ng plaza. Talaga namang puyatan at paumagahan ang drama ng lahat ng mga nakikilahok dito. Kaya naman ay talagang inaabangan ito ng lahat. Pero maliban sa sayawan ay may iba pang paraan ng pagsasagawa ng taunang pagtitipong ito.

Ito ay ang "padasar" na ang ibig sabihin ay nobena para kay Birhen Maria at iba pang santo. Ito ay pinaplano ng bawat batch at ginagawa sa loob ng siyam na araw. Ito ay kalimitang ginagawa tuwing gabi. Bawat gabi naman ay grupo ng kabatch na siyang naghahanda ng konting salu-salo pagkatapos ng dasal. Ang tawag naman dito ay "painuman". Sa Pandan, halos lahat ng batch ay ginagawa ito tuwing summer. At ang pinakapopular na nobena ay para sa Our Lady of Salvation. Ang ika-siyam na araw ay tinatawag na "tapos" o ang huling araw ng "padasar". Kung minsan ay nagpapamisa ang batch sa araw na ito bilang pasasalamat. Pero ano nga ba ang pumapasok sa isip ng lahat kapag naririnig na ang "tapos"? Ito ay ang handaan, kainan, at walang katapusang inuman.

Sa "padasar", ang "tapos" ay ang talaga namang pinaghahandaan ng lahat. May kuntribusyon na kinukolekta sa bawat kabatch. Ang maiipon ay ang gagastusin para sa pagkain. At siyempre para sa iinumin! Ano pa nga ba, kundi alak! Sabi nga, hindi kumpleto ang pagdiriwang kung walang alak na pagsasaluhan. Kung minsan na may sobra sa budget ay umaarkila pa ng "B5". Ang "B5" naman ang videoke machine na hinuhulugan ng limang pisong barya para makakanta. Ayos di'ba?! Mas masaya nga naman 'pag may kantahan. Kumpleto ang pagdiriwang, kuntento ang bawat isa.

Ganito tayong mga Pinoy, mahilig sa kasiyahan. Hindi alintana ang mga problema sa buhay kapag kasama ang iba at nagsasaya. Subalit may mga pagkakataon na nakakalimutan natin ang tunay na dahilan kung bakit natin ginagawa ang mga bagay na ito. Halimbawa sa "padasar". Bakit nga ba meron nito? Ano nga ba ang ipinagdadasal natin?

Minsan ay naghahanda kami para sa "padasar" ng aming batch. Isa-isa naming pinupuntahan ang mga bahay ng aming mga kabatch upang hikayatin silang makilahok dito. Ngunit sa mga kabatch na pinuntahan namin, naaalala ko na hindi iilan o halos karamihan ang nagtanong ng "Batch, sa'no tapos ning dasar?"(Batch, kelan ang huling araw ng dasal?) Hindi pa nga nagsisimula ay huling araw na kaagad ang tanong. Para bang ito lamang ang inaabangan sa padasar.

Kapag nagsimula naman ang "padasar" ay kaunti lamang ang mga kabatch na sumasali sa nobena. Ang iba nga ay dumarating lang sa "tapos" na lang talaga. Ang karaniwang dahilan lalo na ng mga lalaki ay hindi naman sila marunong magnobena kaya ayos lang 'yon. Sasabihin pa ng ilan na kaya lang naman may nobena ay para may "tapos". Ang "tapos" na tumutukoy lamang sa handaan at kasayahan. Sa bagay na ito, hindi kaya nagkakamali tayo. Lumalabas na palabas lamang pala ang siyam na araw na pagnonobena o pagdarasal para lamang magkaroon ng pagkakataong magkantahan at mag-inuman. Nakakalungkot mang isipin pero minsan ay may katotohanan.

Mas malala pa ay kapag napasobra na ng inom ang ilan, unti-unti nang nawawala sa tamang pag-iisip. At ang dapat na pagdiriwang ay nauuwi sa sakitan. Ang kasiyahan ay natatapos sa pag-awat doon sa mga nagsusuntukan. Ang pagtitipon na dapat sana ay simbolo ng pagkakaisa ay napupunta sa awayan. Awayan na kung tutuusin ay wala namang kabuluhan.

Sa puntong ito, may halaga ba ang ginawang "padasar"? O wala lang? Ang "padasar" ay hindi lamang ginagawa upang magkatipon-tipon ang mga dating magkakaklase at magkasiyahan. Ito ay pagpapasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa bawat taong nagdaraan. Pagpapasalamat din ito sa pagkakataong ang lahat ay nagiging kumpleto at nagkikita-kita minsan sa isang taon.

Hindi nagkakaroon ng "padasar" para magkaroon ng "tapos". Ang "tapos" ay pagsasaya dahil nagkaroon ng "padasar" kung saan sa loob ng siyam na araw o gabi ay nagkasama-sama ang lahat sa pagdarasal. Ito ang huwag sana nating kalilimutan lalo na bilang mga bagong sibol ng Pandan. Kung anuman ang nakaugalian ay dapat nating ipagpatuloy, sa tamang dahilan at paraan. Sa pamamagitan nito ay mas lalo tayong magkakabuklod-buklod bilang isang pamayanan at bilang isang bayan.

Uswag Pandan! Maligayang bakasyon sa lahat.